You are viewing [info]imnolessthanme's journal

"fond" memories of hsam

  • Oct. 31st, 2007 at 4:36 PM
study.

kahapon nakuha ng kapatid ko ang annual niya. ang kapita-pitagang "paracletan" ng hsam.

 

mahal ko ang aking eskwela. ikaw ba naman ang mag-aral sa iisang paaralan sa loob ng labing dalawang taon, tingnan natin kung hindi mo matutunang mahalin ang "alma mater" mo (marahil wala ka naman ding ibang pagpipilian e).

 

masasabi ko na ang batch namin ang pinakamalas. maganda ang annual nila. ang annual namin? parang pinagpilitang tapusin para umabot sa oras na dapat abutin. nakakairita. yung naunang batch sa amin, maganda rin yung annual nila. at oo nga pala, kailan pa nagbago ang ating alpabeto para mauna ang “g” sa “f”? halatang ginawa yun para magkakasama sa iisang page yung magkakabarkada e. hindi ba yun masyadong unfair. ambabaw pero naakainis e. naaalala ko tuloy yung annual namin nung grade six. mali yung pangalan ko... biruin mo, monina pie na lang ang pangalan ko, aba, bininyagan nila ko bilang monia pie... hindi naman julleine edighael (hi jolens. ^^, tama nga ba pagka-ispell ko?) yung pangalan ko, mali pa. hinintay mo nang matagal na makuha yung annual na yun tapos ang makikita mo lang na binago na nila yung pangalan mo. oo na, mababaw na. e nakakainis parin e. kinalimutan yung isang "n" samantalang yung pangalan na napakahaba at napakahirap isulat, tama. nakakainis talaga. (***kung mababasa man to ng kahit sinong staffer sa batch namin, peace. kanya-kanya naman tayong opinyon e.) 

 

ang batch din namin ang hindi manalo’nalo sa battle of the bands pero ok lang. ang batch din namin yung akala ni sir cajanding na makakabreak ng record na walang mabubuntis (***at least hindi nabawasan yung batch namin, nadagdagan pa). yung batch din namin yung may “pinaghandaang” graduation ball na nagtagal ng kalahating oras. pero ayos lang naman lahat yun e, masaya naman yung batch namin sa kanya kanya naming buhay noon. sa sumunod na batch, wala na si ms. tecson. pero masaya namang maging guro si ms. tecson e. hindi tuloy nila naexperience yung bumbilya niya at ang kanyang “art of pagpaypay”. hindi na rin nila naexperience na masigawan at makakita ng lumilipad na chalk, eraser o libro.

 

ang pakunswelo lang naman sa batch namin ay, naabutan pa namin na airconditioned (***na lagi naman sira at nagproproduce ng limang galong tubig kada araw.) na yung rooms sa arnoldous bldg, swerte ko pa at masigla ako nung third year kaya naman dalawang taon akong palaging sinisipon-inuubo dahil sa kung ano ang inilamig sa loob ng room ay namang ikinainit sa labas. swerte nga ba na masigla ako nung third year? hindi rin siguro.

 

naalala ko tuloy ang holy, hindi ang mga kaibigan ko pala. o sige na nga, naaalala ko na rin ang holy.

paano ko ba naman makakalimutan yung corridors at yung santan na madalas ginagawang kwintas ng mga prep at kinder. yung palayan sa likod ng holy. yung pink na cloister ng mga madre. ang bagong avr. ang pinalaking library. (***oo! naglilibrary pa ako nun.:)) ang napakasikip na canteen. and speaking of canteen, paano ko makakalimutan ang diet namin na "egg-cheesedog-rice-catsup" kapag recess.

 

mabait pa nga ako nung highschool e. hindi ako na pod (***prefect of discipline) nun, kaya hindi kami naging close ni miss tecson. hindi ako nalalate kasi hanggang second year, 6 kami dumating sa school… pero nung third yr at fourth yr na, tinamad na din yung service namin na gumising ng napakaaga kaya ayun, sobrang siksikan sa sasakyan pag umaga pero dumadating naman kami sa eskwelahan ng 7:15 e. may 5 minutes pa ko para gawin yung nakalimutan kong gawing homework o yung hindi ko natapos na project. hindi rin naman ako nahuhuli ng guard na walang id e.

 

sa labing dalawang taon ko sa holy, pinakamasaya talaga ang fourth year. hindi ko man kaklase si diwata na kaklase ko ng apat na taong sunod sunod. masaya naman ako at totoong tao ang mga nakaklase ko, hindi yung mga *ehem ehem* na hindi man lang alam ang pangalan mo matapos kayong maging magkaklase ng isang taon sa third yr (***tamaan ang matatamaan. haha. alam mo na ba ang pangalan ko?) o yung kilala ka lang pag uutusan kang magdilig ng halaman para investigatory project. bitter ba yung dating sa inyo? naaalala ko lang naman ang mga very “fond” moments ko nung third year e. haha! nung fourth year, akala ko magugunaw na ang mundo ko dahil… una, wala akong masyadong kilala at wala akong talagang kaibigan sa listahan ng mga mag-aaral sa kumbaba. ikalawa… hindi ko kaklase si diwata dahil nasanay na akong kasama siya lagi. ikatlo, praning ako. pero masaya parin ang ika-labing dalawang taon at ang huling taon ko sa holy, bakit? nakilala ko ang failerz: jona, melanie, jessa at dianne (cheers! iloveyougirls!) at masaya talaga akong mapagkumbaba ako nung fourth year at hindi mapagbigay, mapagmahal, mapagpaubaya o mapagtimpi. madalas man akong umiyak nung fourth year. ok lang. (***nung third year at fourth year  pa daw maging iyakin e, sr. navarro kasi nagsmula ng lahat!)

 

kahit na si ms. manrique yung adviser namin at medyo may pagka‘kj’ ok lang. siya yung kulot, maliit at mataray na english teacher ng tanging section namin na lagi nilang pinagtitripan. siya yung nagpapa-calisthenics sa section namin solo sa ground minus the music, bilang system ito. siya rin yung nagpatulog sa mga boys sa corridor ng retreat house, tabi-tabi. siya yung hindi nagpa-aircon sa section namin ng isang linggo dahil daw maingay kami o madumi yung class room.

 

bigla kong naalala yung reatreat a, yung naunang batch nga pala sa amin, nag-retreat sa baguio at may field trip pa! samantalang kami, walang field trip tas sa tagaytay. mmm. wala naman akong reklamo sa retreat mismo, napakasaya nga e. masarap pa yung pagkain tuwing kainan na! ok lang kasi si sister concepcion yung kasama namin at hindi ang principal!

 

nabanggit na rin naman si sister concepcion (***kung mapapanuod niyo yung tatlong madre na naglalakad namagkakakapit bisig sa edsa nung edsa1, isa siya dun!), paano makakalimutan ng kumbaba yung away ng section namin dahil sa kanya. yung bigla na lang akong napasigaw at umiyak? yung open-forum pagkatapos nun? grabe. pero hindi ko rin makakalimutan na nilibre niya tayo ng ice cream nung academy days, tsaka yung bracelet na binigay niya sa atin nung retreat. nasaan na nga kaya yung akin?

 

oo nga pala, sa batch nga pala namin nagsimula at naging seryoso na ang school para sa cat. at oo nga pala, ako nga pala ang “not-so-ever-reliable-ano-nga-ulit-yung-position-ko?” ng bravo company. ako yung tiga-lista, tiga-hanap ng pasaway na walang hair-net, belt o kung anumang anik anik. naalala ko sir navales at ang aming trip sa intramuros at sa kung saang lupalop man yung ng maynila dahil duon kami nag assemble-disassemble-assemble ng m16 riffle pati na yung square meal, “kumain ka ng dalawang buong kamatis at dalawang buong itlog” at yung cat competition kung saan kami ang host at talunan. buti na lang may gwapong corps commander yung isang school.

 

cheesy ko. ang corny ko. mag’drama daw ba?

  • Leave a comment
  • Add to Memories
  • Share
  • Link

should have been there.

  • Oct. 27th, 2007 at 12:28 PM
study.
dang!
OCTOBER  24 was supposed to be a funfunfun day but it was the exact opposite.
I told my mom that pao wants to treat us to enchanted kingdom for her 17th birthday which is actually today- HAPPY BIRTHDAY PAO (if ever you'll read this... yes, I am really envious of your EK trip)! haha. my mom said NO, she didn't let me go. blah! i just turned 18, yes, legal age for me and this makes me wonder... i'm 18 and i grew to be more obedient to my mom... so i didn't go.

visiting pao's multiply. i really got envious. I SHOULD HAVE BEEN WITH THEM. ack.

they spent the whole day screaming and wilding out.
i spent the whole day wondering how they were doing and day dreaming.

my day was really a fruitful day wasn't it?
i finished the taiwanovela i had been watching. 

ooo~ really.
  • Leave a comment
  • Add to Memories
  • Share
  • Link

starting anew.

  • Oct. 26th, 2007 at 4:48 PM
study.
second semester's coming~
can't wait.

reason to keep me really excited.

::CAPPING is on our way~ cheers to go getters!
::i'll be seeing friends i missed so much.
::gossips are the juiciest these days! yum yum.
::dr. rabago's back. doomed once again.
::i'll be seeing numbers. once more. physics.
::basketball.
::kat tria's 18th.
::paskuhan. fireworks. funfunfun. gifts.
::i smell OB~ creeps
::NCP. nur history. patients.

yes. i'll be back for works.
yes. i'll be back for loads.
i'm ready. hope so.
i loooooooooooooooooove excitement.
i promise to better my loser's study habit.
  • Leave a comment
  • Add to Memories
  • Share
  • Link

Latest Month

October 2007
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031   

Syndicate

RSS Atom
Powered by LiveJournal.com
Designed by [info]chasethestars